Buwan ng Wika
May iba't ibang wikang umiral sa mundong ito. Ang bilang nito ay umaabot ng 6,500 na wika. Kasama na rito ang wika ng ating bansa, Pilipinas. Wikang Tagalog, ang tawag sa wika ng mga pinoy.
Sa mga araw na ito, hindi na kadalasang ginagamit ang sariling wika sapagkat wikang banyaga na ang kadalasan nilang ginagamit. Upang harapin ang problemang ito, naideklara ang Buwan ng Wika upang mabigyang pansin ng mga Filipino ang kanilang sariling wika.
Ang buwan ng Wika ay ginaganap sa buwan ng Agosto. Ang tama nito ngayong taong 2014 ay "Filipino: Wika ng Pagkakaisa." Binubuo ito ng apat pang sangay:
- Ang Wika ng Usaping Pangkapayapaan ay Wika ng Pagkakasundo
- Ang Wikang Nauunawaan ng Nakararami ay Wika ng Kapayapaan
- Ang Wika ng Pagsasalin ay Wika ng Pagkakaunawaan
- Ang Wika ng Kapayapaan ay Wika ng Pambansang Pagkakaisa